ads1

  • Breaking News

    Pleistocene


    Ang Quaternary naman ay may epokang Pleistocene at Holocene.

    Noong epokang Pleistocene naganap ang pagyeyelo (glacial period). Bago dumating ang epokang ito, mainit at maayos ang klima ng mundo. Ang mainit na klimang ito ay umiral sa loob ng 60 milyong taon. Nang sumunod na milyong taon, biglang nagbago ang takbo ng mundo. Umulan nang umulan ng yelo at kumapal nang kumapal ito.

    Ang panahon ng pagyeyelo ay tumagal ng mga 40,000 hanggang 60,000 taon. Tuwing matatapos ang panahong ito, muling umiinit ang mundo at natutunaw ang malalaking tipak ng yelo. Ang pagpapalit-palit na ganito ng lamig at init ang nagging katapusan ng maraming nilikha, kasama na ang mga bakulaw. Karamihan sa kanila ay nangamatay at nawala na nang tuluyan sa maraming lugar. Yaong mga namatay ay napalitan naman ng ibang mga nilikha.

    Noong panahon ng pagyeyelo, habang ang buong Antarktika at ang matataas na bundok sa buong daigdig ay nadadamitan ng makapal na yelo, namalagi ang mga unang tao sa mainit-init na mga lugar tulad Aprika, Timog Asya, at ilang bahagi ng Australia. Mayroon ding nanirahan sa Timog Europa bagama’t ang malaking bahagi ng subkontinenteng ito, kasama na ang Kanlurang Asya at Hilagang Amerika, ay nababalutan ng yelong mahigit isang kilometro ang kapal. Yaong iba na malalakas ang loob at matitibay sa lamig ay nangahas na tumawid patungong Hilagang Asya sa Siberia at Alaska.

    Bagama’t ikinamatay ng marami an gang pagsalit-salit ng init at lamig. Nakatulong naman ang ganitong mga pangyayari sa mga unang tao sapagkat ang ilang bahagi ng makakapal na kagubatan ay nakalbo dahil sa yelo. Ang tubig sa dagat ay bumaba rin, lumawak at tumaas ang lupa at lumitaw ang mabababang lugar na siyang nagsilbing tulay sa pagitan ng mga magkakalapit na mga lupain. Sa ganitong paraan hinihinuhang nakapaglakbay nang napakalayo ang mga unang tao ganoong wala pa naming mga sasakyang-pandagat noon. Nang matunaw ang yelo ay nahawan na ang lupa; nagkatubig sa mga dating disyerto, at nagging possible na ang pagtatanim.


    Share your thoughts, reactions, and opinions in the comments section below!

    No comments

    Post Top Ad

    Post Bottom Ad