Cenozoic
Ang kapanahunang Cenozoic ay nagsimula mga 63 milyong taon na ang nakaraan. Ito pa rin ang kapanahunang umiiral hanggang sa kasalukuyan. Mabilis ang nagging ebolusyon ng mga mammal, ibon at mga halaman sa kapanahunang ito samantalang iyong mga hayop na walang gulugod ay halos walang ipinagbago. Ang mga panahon sa ilalim ng Cenozoic ay ang Tertiary at Quaternary.
Ang Tertiary ay nahahati sa limang epoka: ang Paleocene, Eocene, Oligocene, Miocene at Pliocene. Noong epokang Eocene, naglipana ang mga bakulaw sa mundo. Marami ring maliliit na reptilya, paniki, kamelyo, pusa, kabayo, rhinoceros, at mga balyena. Noon naming epokang Miocene, mga 18 milyong taon na ang nakararaan, nabuhay ang mga bakulaw na tinawag na proconsul o dryopithecus. Ang mga bakulaw na ito, na hindi lumalakad nang patayo, ay hinihinala ng ibang siyentipiko na siyang pinagmulan ng malalaking bakulaw, at maaaring pati nang Homo sapiens. Ang makabagong tao ay naglabasan noong huling epoka na ng panahong Tertiary, at epokang Pliocene.
No comments