ads1

  • Breaking News

    Panahong Paleolithic (Old Stone Age)


    Ang sakop ng panahong Paleolithic, na ang ibig sabihin ay Lumang Panahon ng Bato (Old Stone Age), ay nagmula noong unang lumitaw ang tao hanggang magsimula silang magsaka noong 8000 B.K. Ang panahong ito ang pinakamahaba sa lahat ng pagkakahati-hati ng mga panahon sa kasaysayan ng mundo bago naimbento ang pagsusulat. Nagsimula at natapos ito nang kasabay ng epokang Pleistocene.

    Ang mga katangian ng Lumang Panahon ng Bato ay ang sumusunod: ang paggamit ng mga tao ng mga kasangkapang yari sa bato, buto, kahoy, o mga halamang nilala at ginawang mga sisidlang-basket, ang paggamit nila ng apoy, ang pangangaso nila at pangunguha ng gulay bilang pagkain, ang pagsusuot nila ng mga damit na gawa mula sa mga balat ng hayop, ang paminsan-minsan nilang pagtulog sa mga kuweba, samantalang nagtatayo rin sila ng magagaspang na kubong maaaring tulugan o gawing kanlungan mula sa hangin, at ang kawalan ng mga nagsasaka, agrikultura, o mga hayop na inaalagaan.




    Share your thoughts, reactions, and opinions in the comments section below!

    No comments

    Post Top Ad

    Post Bottom Ad