ads1

  • Breaking News

    Ang Paghihiganti


    Isang gabi, naglalakad ang isang lalaki sa may tulay nang may makita siyang babae na nasa gilid nito at nagtatangkang magpatiwakal.

    “Huwag!” sigaw ng lalaki. At sa kabutihang palad ay nakumbinsi ang babae at siya’y bumaba.

    Lalaki: Ano bang problema mo’t naisipan mong gawin yan.

    Babae: Kasi, iniwan ako ng boypren ko’t sumama sa ibang babae.

    Lalaki: Miss, ganyan din ang problema ko pero di ko inisip na magpakamatay.

    Babae: So, anong gagawin natin?

    Nag-isip sandali ang lalaki at sinabi…

    Lalaki: Kung gusto mo, maghiganti tayo sa kanila.

    Babae: Paanong paghihiganti?

    Lalaki: Alam mo na ang ibig kong sabihin… (sabay kindat sa babae na nakuha naman ni babae ang ipinahiwatig na yon).

    Maya maya’y nasa isang kuwarto na sila ng motel at nangyari na nga ang di dapat mangyari. Nang makaraos si lalaki, nagsindi siya ng yosi. Nang halos filter na lang ay biglang nagsabi si babae ng “Maghiganti uli tayo”.

    Medyo pagod, pero pinagbigyan uli niya ang request ni babae.

    Nang makaraos uli, nagsindi uli si lalaki ng yosi. Nasa kalahati pa lang ang yosi.

    Babae: Maghiganti uli tayo.

    Medyo nangangatog na ang mga tuhod pero dahil sa hilig, muling pinagbigyan niya si babae.

    Muling nakaraos ang dalawa. Nagsindi uli si lalaki ng yosi. Unang hitit pa lang niya ay

    Babae: Ganti uli tayo.

    Talagang lupaypay na si manoy niya pero para huwag mapahiya ay muling pinagbigyan niya ang kahilingan ng babae.

    Pagkatapos kumuha siya ng yosi. Sisindihan pa lang nang biglang…

    Babae: Ganti uli tayo.

    Lalaki: ‘DYOSKO NAMAN!!!! PATAWARIN NA LANG NATIN SILA!!!


    Share your thoughts, reactions, and opinions in the comments section below!

    No comments

    Post Top Ad

    Post Bottom Ad