Nobela
Ano ang Nobela?
Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.
Kahulugan:
Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
Layunin:
Katangian:
Bahagi:

- gumising sa diwa at damdamin
- nananawagan sa talino ng guni-guni
- mapukaw ang damdamin ng mambabasa
- magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
- nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
- nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
Katangian:
- maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
- pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
- dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
- pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
- kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
- maraming ligaw na tagpo at kaganapan
- ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
- malinis at maayos ang pagkakasulat
- maganda
- maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan
Bahagi:
- tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
- tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
- banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
- pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
- tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
- damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
- pamamaraan - istilo ng manunulat
- pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
- simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan
- Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan
- Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
- Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa
- Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa
- Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
- Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
- Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema.
No comments