ads1

  • Breaking News

    Twina'y Tulang Liwayway

    Tula ni Dennis Capistrano

    Parang na agnas, sariwang simoy ere
    Salumhinga kong angkin.
    Mga makulay na bulaklak at halama't gumiliw
    sa sariwang bulong ng hangin.
    Mga makitig na puno'y nagsampay ng mga
    bungang hinog na prutas.
    Mga burol at kapwa bundok, naka bantay
    matatag sa lakbayan panawin
    Munting ilog ginang lipas karatig lupang sibugan,
    Sulit sa tubig gamgam.
    Sikat ng araw, naga-alay liwanag ng adlao
    sa buong sipag at hanggang nayon at trigo.
    Mga bulakang ulap, malambing lumutang at
    Lumipad sa bughawing linaw ng himpapawid.
    Mga ibon nagapulong sa mga sanga, mga kalabaw,
    naga-ligo sa babaoan, mga langgam, nagaani sa
    taping lupa, mga tutubi, kinikiti kanilang pakpak,
    mga paroparo, sumasayaw sa damohan at bukalaklak-
    nakikisalo sa kumbita kong ringal.
    Sa lilim ng punong mangga ako'y naka upong sandal.
    Kita ko, tanaw ko, ang ginhawang litrato.
    Tumitibok aking puso, dugo'y masigla,
    nadadama ang maka-gawa…
    Namangha ako sa ganda at garang likas,
    Lumiwanag aking rangal. Napaibig ako.
    At para ng lubos kong awit, bigkas, at salisik
    sa dakilang likha, ragasa, akong nagtula.



    Share your thoughts, reactions, and opinions in the comments section below!

    No comments

    Post Top Ad

    Post Bottom Ad